Jeepney Warning Stories

Jeepneys are the most popular means of public transportation in the Philippines. They were originally made from US military jeeps left over from World War II and are known for their flamboyant decoration and crowded seating. They have become a ubiquitous symbol of Philippine culture.
The word jeepney is a portmanteau of "jeep" and "Jitney".
While most are used as public utility vehicles, jeepneys used as a personal vehicle have their tailgate attached, known in the Philippines as "For family use", originating from the sign painted on them. Jeepneys are used less often for commercial or institutional use.

So, let's talk about some criminal stories dealing with this vehicle. The stories shown below are the most widely spread stories of all. Well, I doubt the credibility of these, though all of them may had happened once. But I can't find any articles in news papers or if it had been featured in television shows.

Story



[Taken from Internet:]

I want to share this story for you all to be aware while having their trip. Si Ana, Student ng PUP, ay pauwi na. Sumakay siya ng Jeep. Apat lang sila na nasa loob ng jeep; Yung driver, si Ana, isang matandang lalake at isang nursing student. Si ANA, nakaupo sa dulo ng jeep, right side, malapit sa babaan. Yung matandang lalake, nakaupo sa left side, likuran ng driver. Then yun nursing student, nakasandal sa matandang lalake, nakalaglag yun buhok sa mukha, tulog ata.

Umandar na yung jeep. After 5mins. May sumakay na matandang babae. Umupo sya sa harap nung matandang lalake at nung nursing student. Umandar ulit yung jeep. Wala pang 10mins, pumara yung matandang babae, and on her way down sa jeep, pinipilit nyang bumaba si Ana.

Sabi nya: “BABA!” On a not shouting but medyo galit na way.
ANA: “Bakit po?”
Matandang Babae: “Basta baba!”
Hinahatak nya ang damit ni Ana pababa,
while saying “sabing baba eh!”


dahil sa takot, bumaba si Ana..
Pagkaandar ng jeep, Ana asked the old woman..


ANA: “Bakit po ba?”
Matandang Babae: “Hindi mo ba napansin?”
ANA: “Alin po?”
Matandang Babae: “Nangingitim na ‘yung mga kuko nung babae!”
ANA: “Ano po ibig nyong sabihin?”
MB: “Patay na yung babae! Sinaksak ng Ice pick nun lalake!”


*Kapag daw ice pick ang ginamit pangsaksak, di daw lalabas ang dugo dahil maliit lang ang ice pick, sa loob daw mamumuo yung dugo, magkakaron ng blood clot.*
Hindi pa nag sink in kay Ana yung sinabi nun matandang babae, until napanood nya sa news.

Swerte ni Ana dahil may malasakit yung matandang babae sa kanya, dahil diba, pwede naman umalis yun MB kahit hindi kasama si Ana. It means, di pa oras ni Ana. Ang nakakaawa is yung nursing student.

Sobrang swerte ni Ana. Puzzle pa rin sa’min what’s the real story behind that.

Kasi sabi daw sa news,di daw hinold up yun nursing student, kaya hindi alam ang reason kung bakit sya pinatay. ngayon si Ana, lagi daw tulala at lutang. Tahimik palagi. Sus, kahit kanino naman siguro mangyari yun magkakaganon diba? Kaya sa mga commuters dyan, be aware sa mga nakakatabi nyo sa byahe, laging mag iingat and be observant.

Be Safe and Never removed your eyes from the people you saw inside any public transportation. You will never know that one of them may hurt you for no reason. Enjoy the trip and always remember to pray for your safety.

(SHARE IF YOU CARE)
I want to share this story for you all to be aware while having their trip. Ana, a student of PUP (Polytechnic University of the Philippines), was about to go home. She took a jeep for a ride. They are four inside it - the driver, her, an old man, and a nursing student. She take a seat at the right side near the passage door of the vehicle. The old man seated at the left side near the driver. Then, the nursing student was leaning on the old man with her hair covering her face, as if she's asleep.

The jeep was running now. Then, after 5 minutes, an old woman took a ride on it. She seated on front of the old man and the nursing student. And the jeep ran again. 10 minutes after, the old woman told the driver that she wanna go out, and on her way down the jeep, she forced Ana too to go down with her.

She said on a not shouting but angry way, "Go out!".
Ana: "But why?"
Old woman: "Just go out!"
She pulled Ana's clothes forcing her to go down while saying, "I said go out!"

Because of fright, Ana followed the old woman.
When the jeep leave, Ana asked her.

Ana: "Why did we went down?"
Old woman: "Haven't you noticed?"
Ana: "The what?"
Old woman: "The girl's nails were becoming black!"
Ana: "What do you mean?"
Old woman: "The girl was already dead. The old man stabbed her with an ice pick!"

When you use ice pick to stab someone, the blood will not ooze out of the wound because the ice pick is so small. The blood will only clot in the body.
Still, what the old woman had said did not sink in on Ana's mind, till she watched it on a news in TV.

Ana was lucky, that the old woman has concern on her. The old woman can just go down without telling her what's happening. It only mean, it's not already Ana's time to die. But the most pitiful is the condition of the nursing student.

Ana was very lucky. It's still puzzling to us what was actually the real story behind that.

Because according to the news, the nursing student wasn't been robbed, thus the reason was still unknown. Now, Ana always act stupidly, and often silent. Well, whoever might experience that will eventually be like that. So, to all the commuters there, be aware who's beside you, be careful, and be observant.

Be Safe and Never removed your eyes from the people you saw inside any public transportation. You will never know that one of them may hurt you for no reason. Enjoy the trip and always remember to pray for your safety.

(SHARE IF YOU CARE)


[Taken from Internet:]

Hindi ako makapaniwalang may mga tao talagang handang pumatay para lang makuha yung mga materyal na bagay na gusto nila o siguro dala na ng desperasyon kung paano makakatawid ng gutom.

Kwinento sakin ‘to nung kaibigan ko kanina:

Papunta sila ng kaibigan niya sa CEU kahapon para sunduin yung isa pa nilang kaibigan. Sumakay sila ng jeep sa may bandang Ortigas. Pagsakay nila, konti lang yung mga pasaherong nakasakay. Mag-jowang magkayakap, isang matandang babae, sila, tapos yung driver. Sa may bandang likod sila nakaupo. Yung mag-jowa yung nasa may bandang unahan ng jeep. Nakasandal si ate kay kuya na parang natutulog tapos si kuya nakayakap kay ate. Yung matandang babae naman nasa may bandang gitna.

Inaabot na nung kaibigan ko yung bayad niya dun sa lalaki pero hindi siya pinapansin kaya yung matandang babae na lang yung nagabot ng bayad. Yung matandang babae din yung nagabot ng sukli sa kanila. Napansin na din nila nung mga oras na yun na ang sama ng tingin ng driver sa kanila. So medyo nagtataka na din sila.

Mayamaya, biglang sinabi sa kanila nung matandang babae na bumaba na sila. So lalo silang naguluhan kung saan mas matatakot. Sa manong driver na masama yung tingin o sa aleng bigla na lang nagyayayang bumaba ng jeep. Hindi na din sila nagisip tapos bumaba na sila ng jeep. Pagkababa nila ng jeep, sinabi sa kanila nung matandang babae kung bakit. Buti na lang daw hindi sila nagtanong kung bakit. Sabi nung matandang babae patay na daw yung babaeng nasa jeep. Hindi daw mag-jowa yung dalawa. Kaya nakasandal si ate kay kuya tsaka nakayakap si kuya kay ate kasi may nakasaksak kay ate na ice pick. Kaya hindi din inaabot ni kuya yung bayad. Napansin din daw ni ale na medyo nangingitim na yung bandang leeg ni ate. Kaya din daw siguro masama yung tingin ni manong driver sa kanila kasi baka binabalaan na din silang bumaba.

Nakakatakot lang kung iisipin mong isa ka sa mga nakasakay sa jeep na yun. Sobrang nakakatakot. Sa panahon ngayon, hindi ka na talaga makakasigurado kung sino yung mapagkakatiwalaan mo tsaka kung hanggang kelan na lang yung buhay mo. Nakakatakot na, lalo na kapag gabi.

Kaya paalala lang sa mga madalas bumyahe sa gabi, mag-ingat. Hangga’t maaari, maghanap ng kasama. Tsaka wag kalimutang magdasal. Hindi mo man akalain pero malaki ang impact niyan.

Ingat!

-A student from AB Pol Sci. (UST)
I can't believe there are people who are ready to kill just to get material things they want, or ... because of desperation on how to overcome hunger.

This story was told to me by my friend:

They were on the way to CEU (Centro Escolar University) to fetch their other friend. They ride in a jeep around Ortigas. As they went inside, there were only few passengers. Lovers who happened to be embracing that time, an old woman, they, and the driver. They decided to sit at the back near the door way of the jeepney. While the lovers were sitting at the front near the driver. Ate* was leaning on to his shoulder, as if she's sleeping, while Kuya* was embracing her. And the old woman was sitting in the middle of the seat.

My friend was offering our fair to the guy to give it to the driver, but he just ignore us, instead the old woman reach it for us. And it was also the old woman who reach the change of our payment. At that time, they noticed the bad stare of the driver to them. So they wonder why.

A few minutes passed, the old lady told them that they should go out of the jeep now. So they became more confused on to whom they will be scared - to the driver or to the old lady who wanted us to go out. They don't put attention on thinking about it, they just followed what the old lady told them. As they were outside, the old lady told them the reason. Luckily, they didn't asked why while they're still inside. The old lady said that the girl there was already dead. The two were not lovers. The reason why Ate was leaning to Kuya, and why he embraced her is because there was an ice pick already plugged on her. That's also the reason why he didn't reach their payment. She also noticed that her neck was blackening. The same reason why the driver look very bad on them warning us to go out.

It was very frightening to think if you're one of the passengers on that jeep. It was sooo scary! At this time, you're not certain who you'll gonna trust and when your life will last. It was fearful especially if it happens at night.

So... To all of you who travels at night, BE CAREFUL! If possible, find someone to be with. And don't forget to pray. You'll never notice what its effect, but it has a huge impact on you.

BE CAREFUL!

-A student from AB Pol Sci. (UST)

* Note: Ate and Kuya, even translated in English as Sister and Brother, Filipino also use it to address elder strangers - female and male respectively.


[Taken from Internet:]

Kanina nagkwento yung classmate ko sa nangyari sakanya kagabi. Pumunta kasi sila ng tita niya sa Junction. Pero umuna na siya ng uwi kasi may allergy siya saka papasok pa nga siya kinabukasan. Sumakay daw siya sa jeep, nung una. Dalawa lang sila. Siya saka daw isang babae. (Maganda tas maputi saka medyo mayaman tignan. bata pa daw, mga 17-19) Tapos, may sumakay daw na dalawang lalaki. Pinagitnaan yung babae na nasa harap niya. Tas ginigitgit daw, eh samantalang apat lang naman sila sa jeep. Nung medyo nakalayo na sila sa junction, Prumeno daw ng sobra yung jeep tas yung babae, imbis na patagilid, paharap daw naano. Tumama pa daw sa tuhod ng classmate ko yung ulo ng babae. Don na daw siya kinabahan. Tapos, maya maya may sumakay daw na nurse. Tapos nung magbabayad na dawyung nurse, napatingin yung nurse don sa 3 sa kabilang side. Nilapitan daw siya ng nurse tapos pinilit siyang bumaba. Sumama nalang yung classmate ko kasi daw mukhang takot na takot yung nurse. Nung pagbaba, nagtanong yung classmate ko kung bakit daw sila bumaba, ang sabi ng nurse sa classmate ko. “Hindi mo ba napansin yung babae, patay na? may icepick na nakasaksak sa tagiliran niya. Buti nalang nakita ko agad.” Hindi daw napansin ng classmate ko kasi naktingin siya sa may bintana.

Buti nalang sumakay yung nursre tapos napansin agad. kung hindi, baka kung ano na nangyare sa classmate ko. Atleast safe siya, pero kawawa naman yung babae. Ingat tayong lahat!


[Taken from Internet:]

because i can write in filipino just trying my hand at some creative non-fiction in filipino. actually, the core of this is from a story i’ve been told. the details, i just filled in.
****
Byahe
mahaba nanaman ang pila sa sakayan.
tanghaling-tapat at naluluto na ako sa ilalim ng naglalagablab na araw, ngunit tinitiis ko ‘to. kailangan ko itong gawin. kaya pumila ako. nag-abang ako. hinintay kong mapuno ang sasakyan. hindi ako komportable. sino ba naman ang magiging komportable kung higit pa sa talagang kakayanin ng jeep ang pinapasakay? siksikan nanaman. naipit ako sa gitna ng dalawang babae. sa kaliwa, pikit na ang mata. nakatulog na sa kakahintay. kahit anong tulak ko ay hindi siya magising. sana man lang ay umusog pa siya ng konti. hindi rin maayos ang upo ng katabi ko. may kausap siya sa kanyang telepono. hindi ko naman maiintindihan kung bakit kailangan niyang makipagsigawan sa nasa kabilang linya. wala akong intensyong malaman ang kanilang pinagtatalunan, at wala rin akong pakialam. sa harap ko, dalawang magkasintahan. naglalampungan sila, parang walang ibang kasabay sa jeep. sa isang dulo mayroong mag-ina. umiiyak ang bata, marahail sa pagkabalisa niya. marami pang ibang biyahero sa loob, ngunit hindi ko na sila pinansin. kanya-kanya ang bawat pasahero, pareparehong napipilitang ipabahagi ang kanilang sariling espasyo pare sa mga estrangherong walang pakialam at respeto sa personal na lugar. nilunod ko na ang sarili ko sa aking patugtugan, umaasang matapos na agad ang paghihirap na ito.

traffic nanaman. may inaayos na tubo sa may kabilang kanto. hindi makausad ang ibang sasakyan. mainit ang ulo ng lahat. tiniis ko na lang ito, umaasang maaayos ito kaagad ng mga mmda, ngunit sa totoo lang, wala namang silang ginagawa para masolusyonan ang problema. hindi talaga maaasahan ang ibang tao. hindi na makapagtiis ang ibang pasahero. isa-isa silang bumaba at onti-unti lumuwag ang jeep. ewan ko ba kung bakit, mas kumportable naman sa loob ng jeep, pero pinili nilang maglakad sa ilalim ng init ng araw. bahala sila.

sa wakas, umusad na ang jeep. matagal rin ang hinintay ko. kakaunti na lang kami sa loob ng jeep, yung babae sa telepono, hindi pa rin niya binababa ito, yung babaeng tulog, yung magkasintahan at yung mag-ina. tuloy-tuloy na sana ang jeep ng biglang tinigil ng driver yung sasakyan, at susunod na nangyari ay kinagulat ng lahat sa loob.

bumagsak ang babaeng natutulog sa sahig ng jeep, may ice pick na nakasaksak sa likod. hindi ko maalala ang mga sususnod na nangyari. bahagya mga imahe lamang ang pumasok sa isip ko. umiiyak ang bata. humihiyaw ang babae. sinusubukang itago ng lalaki ang malamig na bangkay mula sa kanyang nobya. natataranta ang driver. tumigil ang mundo ko.

walang nakakalam kung kailan pa nangyari ang pagsaksak. walang nakakilala sa babae. wala akong maisagot sa pulis sa presinto. kahit anong tanong sa akin ay wala akong masabi. hindi ko tuluyang maintindihan ang tunay na nangyari sa loob jeep na iyon. hindi ko alam kung gusto kong maintindihan.

sinundo ako ng aking kaibigan mula sa presinto. walang nagsasalita sa loob ng kotse sa buong byahe. pag-uwi ay dumiretso ako sa kama. inaasahang maitutulog ko na lang ang lahat ng nangyari, umaasang paggising ay . hindi ako makatulog.
****
i’m not altogether sure if i’m done with the story. i’m just checking if i still have my writing chops for the non-academics. not entirely sure if i want to pursue this or anything. – jocsbonx @ livejournal

Some of these stories, according to my interviewees, was first published from a university news paper. (I don't know what page in the news paper that story was - Literary or Campus News).

I noticed the similarities between those stories:

  • Ice Pick
    The instrument used to kill the victim.

  • Girl
    The victim is always a girl.


  • Well, the only thing I can say is, whether these stories really happened or not, it only mean, we should be careful, especially to those commuters who go home at night.

    Sources:
    http://en.wikipedia.org/wiki/Jeepney
    http://acidpixels.com/blog/philippines/totoo-ba-eto-o-kwentong-barbero/
    http://www.facebook.com/FetishisticDesire/posts/315779198491708?comment_id=2678843*
    http://www.tristancafe.com/forum/222281*
    * One of the sites where you can find the story.

    Post a Comment

    0 Comments